ako ang maepal at papansin na lagi mong babasahin... :P

Huwebes, Disyembre 22, 2011

BAW WAWAW !

ang hayop may may "care" sa kapwa hayop, pero HINDI PO AKO YUNG KASAMA NG ASO!!!
NAKAPAGBASA ako ng isang blog tungkol sa loyalty ng isang aso na hinintay daw yung amo nya ng ilang taon sa isang train station hanggang sa mamatay sya doon. pelikula daw yun at true to life story daw. sa japan ata yun eh. sa tingin ko kahit sino matatouch sa storya neto. astig! isipin  mo yung aso, walang sawa at suuper loyal. galing. hayop pero astig ang ugali, pero tayo, tao pero hayop ang ugali.
***
naalala ko yung article na nabasa ko sa MgaEpal.com. yung tungkolsa nahuling mga korean nationals na nag papa online Dog Fighting sa pinas. yung mga suki nila taga ibang bansa. hanep. gagawa sila ng katarantaduhan e sa pinas pa at sa mga nananahimik na aso pa. ugaling hayop talga.
***
ang mga aso, sila ang number one kung mag pakita ng loyalty. man's bestfriend nga di ba ? kumpara sa tao, mas maganda pang makasama mga aso. yan alagaan mo lang konti, sayung sayo na katapatan nya, minsan nga kahit hindi na inaalagaan ng amo at pinapabayaan na e loyal pa rin diba ? walangya talga.
makailang bese nako nakakakita ng mga asong ginagawang pulutan. asuzena. pag nagtatanong ako non, palagi nilang sinasabi mga ulol na aso daw yun. kundi asong gala, mga nauulol na. sisigaw sana ako na "kayo ang nauulol!" kaso baka kuyugin ang inyong lingkod.
nakakainis e wala akong magawa. sila yon e. kung makikita mo  yung kinakatay na aso, yung mga mata nila habang pinapatay parang nagtatanong : "bakit? anong kasalanan ko? maawa kayo !" pero yung mga taong ugaling hayop, walang pakialam.  tuloy lang sa pagpukpok ng dos por dos sa ulo ng kawawang hayop. mga hinayupak. matagal bago ko nalaman na yung mga aso palang nakita ko nun e mga nahila lang nila sa kalye. di rin nila alam kung may nagmamay ari. tao talga. astang hayop pa sa hayop.
***
dati me alaga kaming aso, pangalan nya "tonton". mabait yun. siguro 7 years old palang ako nung naging alaga namen yun. minsan katabi ko pang matulog yun. pag galing sa trabaho ang papa ko nun at nakikita nyang paparating, agad kakahol yun at sasalubungin sya. minsan pag papasok namn sa trabaho papa ko hinahatid nya pa hanggang sa daan. napaka okay nyang alaga. kaya diko lubos maarok kung bakit isang gabi, sa harap ng bahay namin, nakita ko sya nakatali, nakabaligtad, walang balahibo, lawit ang dila, at walang buhay.
naririnig ko ang tawanan ng mga tito ko, naamoy ko ang amoy ng alak sila, pati yung singaw ng gas nung burner na gamit sila sa pagluluto ng pulutan nila.
***

Miyerkules, Disyembre 21, 2011

KAHITSINO, KAPITANSINO, TULONG TAYO


***
ASTIG!
yan lang ang masabi ko sa video na to. ang gagaling ng naka isip na i publish tong video na to. sino kayang hinayupak yon ??? saludo ako.

***
isipin mo to, lahat tayo kayang maging public servant. dina kelangan maging presedente pa tayo o kaya politiko. kahit anong edad pwede tayong makapagpasaya ng kahit sino. kahit anong estado natin sa buhay. kahit simpleng bata lang tayo, kahit uugud ugod na matanda, kahit hamak na hotdog vendor, kahit na pulubi nga eh, kahit na mas malaki lang ng konti sa alikabok ang utak mo(tulad ko), pwede tayong tumulong.
***
iseshare ko yung nabasa ko sa "kapitan sino".
marami ako natutunan dun. isa na ron yung pwede tayong tumulong kahit ano lang tayo. tulad ng pinapakita ng video na to. sabi ni "kapitan sino", hindi kung bakit magulo ang mundo ang tanong, kundi kung ano ang magagawa nya, mo, ko, at kahit sino satin.
dun sa kwento nung una ayaw maging superhero ni rogelio, hanggang sa makumbinsi sya ng kaibigan nyang katulad kong abnormal na pwede syang maging bayani, sabi nya gagawin nya lang kung ano ang magagawa nya. totoo naman yon sa kahit na sino satin. tulad nung bata sa video, di mo na kelangan ng super strength o ng kakayahang lumipad o pahintuin ang sarili mong oras, kailangan mo lang e yung puso mo at will para tumulong at makapag pasaya sa iba.
kung ano lang ang magagawa mo, kung ang kaya mo lang e yung pagligtas sa nirerape na hipon, o sa nagugutom na parrot, gawin mo. mas okay na yun kesa alam mong mas may magagawa ka pero di mo ginagawa.
***
alam ko gusto nyong makabasa ng mga patama sa mga number 1 daw na gustong maglingkod sa bayan(pero number 1 din sa pagpapahirap neto), pero di ko muna gagawin yon, kase, sayang lang ang oras sa pagsisisihan ng mga tao, mas maganda ngayon na gugulin ang oras sa pag gawa kung ano ang magagawa mo.
lalo na ngayun at me nangyari nanamang trahedya. mas lalo natin dapat palaganapin ang diwa ng Pasko, ang pagbibigayan at pagtutulungan. hayaan muna natin ang mga pag sisi sa iba bilang sanhi ng trhedya, bagkus gawin natin ang nararapat. parang si kapitan sino.
***
kung iisip[in mong mabuti, ipinapakita rin ng video na hindi lang dapat ikaw ng ikaw ang tinutulungan, matuto karin na magbalik ng charity at saya sa iba. parang gulong yan, kung ngayon ikaw ang nangangailangan ng tulong, balang araw ikaw ang tutulong.
karma din yan. kahit gano kasama ang araw mo, kung mabuti kang tao at mabuti ang ginagawa mo, babalik at babalik sa yo yan. kaya tumulong ka kahit katiting lang ang magagawa mo, sapat na yon.
***
at pahabol ko nga pala, eto natutunan ko kay bob ong(na sa paniniwala ko e kakambal ko), "hindi naman kailangang maging mabuti kang tao para gumawa ka ng kabutihan sa iba"
totoo yon, kase naniniwala rin ako na lahat ng tao pinanganak na may mabuting puso, natatabunan lang ng mga sirkumstansya sa buhay.
kung may maitutulong ka gawin mo kahit hindi kla mabuting tao. hindi pumipili ng tuttulungan ang kabutihan, lalung hindi pumipili ng taong tutulong ang paggawa ng kabutihan.
tignan mo yung isang kasama ni Hesus nung napako sya sa krus, yung isa na humiling na maipakita sa kanya ang langit pag namatay sya (tama ba ?????).
ang gusto ko lang sabihin sa part na to e :
wag mong tanungin kung  bakit may kapwa kang tumutulong tanungin mo kung bakit ikaw hindi tumutulong.

Martes, Disyembre 20, 2011

ESPREN TAYO DIBA ??? (IMPROMPTU)

kaya nga kayang magpabungal ng donut na nasa freezer ?
bagaman marami na kong naging bespren, at ngayon ay maeron pa rin naman, isa sa mga diko malilimutang naging kaibigan ko noon ay ang bespren ko. itatago ko sya sa pangalang "bungal". dahil nabungi dati ang dalwang front teeths nya. nang tanungin sya ng teacher namen kung bakit nawala ang two front teeth nya e sabi nya kumagat daw sya ng donut na galing sa freezer !!! imagine that! donut. freeezer, bungal!!!
whanepshit. nang tanungin ko sya kung totoo yun, pinanindigan nya na ang donut na galing sa freezer ang may gawa ng pagkawala ng mga ngipin nya. pero yung teacher namen sa TLE, parang alam na ang totoong dahilan nun ay nakipag away sya.
"all i wish for Christmas is my two front teeth"

ang nasa picture, hindi yang bespren ko, pero nilagay ko yan kasi di sila nagkakalayo, sana naitanong ko dati kung may kakambal sya.

***
balik sa kwento...
oo madalas syang makipag away. oo sira ulo sya. sa aming magkakaklase, sya ang pinaka kinagagalitan ng mga teacher. kase lagi syang me inaaway sa room at may kalokohang ginagawa, .maraming umaayaw sa kanya. pero ako? hindi. kase marami akong natutunan sa kanya na hindi ko natutunan sa mga "matitino" kong kaklase.
***
nung una, may mga barkada akong disente kung pumorma, at hindi gaanong labas ang sungay. pero habang nagatatagal, e nagbago ang kulay nila. puti parin ang balat nila. kase hindi naman kulay ng balat ang nagbago kundi yung kulay ng ugali nila.
plastic. yan ang masasabi ko. pag kaharap nila ako, mababait sila at tanggap nila ako. pero pag nakatalikod nako e iba na ang sinasabi nila. plastic talaga. at backfighter. hndi ko naman sila binubuking na sila yung uminom ng softdrinks ni mam, pro sila binuking nila ako na may gusto sa substitute teacher.
pero iba si espren ko. kahit ganun lang yun, ganun lang talaga yun. akala ng iba loko loko siya, pero di nila alam, lokoloko talga. 
***
naalala ko, dati, nung nasali kami sa gulo, kasama ko sya. pero imbes na sabihin nya sa kin "sige labanan mo, kaya mo yan! wag kang duwag!" e pinauwi nya ko. sabi nya mauna nako sya na ang bahala sa mga kaaway namen. astig. dun ko natutunan na kapag kaibigan mo ang isang tao, hindi ka nya ilalagay sa delikadong sitwasyon, kahit sya e nandon na sa sitwasyon na yon. hindi ka nya idadamay. yun ang kaibigan.
***
isa pang ala ala e nung wala akong pera, walang wala. nagprisinta sya na pautangin ako. okay na sana e. ayush na. thankful nako e. kaso parang baliw ang espren ko, pinautang sakin dollar. okay sana kung malaking halaga eh, pero 2dollars lang e. lugi pa pamasahe pag pinapalit sa money changer. wlangya. pero okay na rin at least nagprisinta sya kahit sira ulong abnormal sya.
***
meron, pa. nung may nakaaway akong barkada nya, pinigilan nyang magkagulo kame.
kasi alam nya lugi ako at diko pwedeng labanan yun,
muli, okay na sana e, kso me sablay nanaman sa diskarte ng espren ko. 
ang ginawa nya, para lang di na ako awayin at kuyugin nung barkada nya, sinabi nya " tol wag nyo galawin barkda ko yan e, tsaka mey LEUKEMIA yan e!" 
putcha, okay na sana e. dapat dina nya sinali yung leukemia e. isipin mo, pano kung nagkatotoo ung sinabe nya ????? wlangya talga. hehehe pero okay na rin yun, at least kaibigan ko talga sya dahil concerned sya sa  kaligtasan ko.
***
nag away na rin kami dati nyan e.nung umuulan sa school, nag tsinelas lang kami.
tapos hiniram nya ung sakin, yung sakanya diko makita.
pusanggalis!!!
alang ya. nung nasa labas na kami, ala akong tsinelas, tapos may parang pond nang tubig na likha ng ulan. bigla nya akong hinila papunta dun, tapos sakto may dumadaan na gurl, natapakan ko yung pond, dahil sa impact nag talsikan yung tubig tapos ayun nabasa kame pareho nung cute na gurl. pikon na pikon ako sa kanya nun. di ko sya kinausap. nagpasorry sya.
sabi ko ang gaslaw nya. nagpasorry uli sya. naalala ko mga pinag samahan namen, ayun, pinatawad ko sya. kaso sabi ko wag na nya ulitin kasi di nakakatawa.
nung una ayaw pang maniwala ng mga kaklase namen na bati na kame. akala kasi nila magsusuntukan muna kan=mi bago mag bati.
***
di ko na sya kasama ngayon, lumipat na kame eh.
hanggang ngayon gusto ko sya tanungin:
1)may ipin na ba uli sya ?
2)naa alala pa bas nya ako?
3)kaanu ano nya ung nasa picture sa taas
4)nasan ka nang kumag ka ??????
***
 the end

BAKIT MGAGALING ANG MGA USISERO ?

Ang tanong na to ang paboritong pagbuntunan ng galit ng mga natalo ko sa chess.
nung try out s school para sa mga gustong sumali sa chess sa cluster meet sumali ako, sa kadahilanang (1) gusto kong maexempt sa mga subjects, (2) marunong akong mag chess (marunung hindi magaling) (3) gusto kong pumunta sa CTNHS para makita yung 2 kong ex. dun kase yung cluster meet.
maghapon yung try out. di ako nakuha. malas nga eh. me hinala ako , pag di ako nakatingin binabaliktad nung kalaban ko yung chessboard!!!
***
ang chess, laro ng matatalino. at palagi akong naglalaro nyan. (ahem)
kase sa chess, lalabas dyan yung galing mong dumikarte, isip mo, kakayahan mong mag isip ng malalim, galing mong mandaya, galing mo sa pagpapanggap na may isip ka, tatag ng pwet mo sa pag upo, at galing mong magdahilan at magpalusot pag natalo kana. kaya matatalino kameng naglalaro ng chess, matatalino pagdating sa kadayaan.
***
nakakaasar lang, e pag naglalaro nayo, kung sinumang abnormal ang kalaro mo, bakit palaging me UZISERO ????? AT BAKIT PALAGI SILANG MAS MAGALING KESA SA MGA NAGLALARO ???
tapos pag nagtuturo sila, susundin mo (kase abnormal ka) "sure ka dito ?" (tapos sasagot sila) "oo dyan! mamamate na yan !"(sa umpisa tama yung ituturo nya, pero matatalo ka) "akala ko mamamate na sya ?" (sasagot sila) "tanga! yung sayo yung sinasabi namin !"
palaging ganyan nangyayari sa isa kong kaklase, minsan pati sakin. natatawa na lang ako pag sinusunod nila minsan yung sinasabi ng mga kaklase kong umaastang expert. tapos pag natalo, paglingon nila sa likod nila para sisihin yung "expert" na usisero, mawawalang parang bula yung usi, parang si david copperfield.
***
bawat player ng chess may naiimbentong techniques para mabaligtad yung laban kung sakaling natatalo sila. yung iba, hindi mo mapapansin pero natatalo kana pala. at syempre papahuli ba ako dyan ??? syempre hindee!!
heto ah, hindi ako nagyayabang, pero sa tingin ko e yung technique ko ang pinaka effective at pinaka mabilis. at kung naiisip mong pagsuko ang secret weapon ko, nagkakamali ka. 2nd choice na lang  yun.
ang technique ko, kunyari mabibigla ako, o kaya magugulat, o kaya biglang gagalaw, tapos sisiguraduhin kong magugulo yung board... pwede rin na yung mga abnormal kong tagasuporta ang gumawa non para sakin.
kadalasan, syempre aacting ako sasabihin ko : "ay!!! ang gaslaw naman! mananalo pako dun eh!! ", kung tanga yung kalaban mo, di nya mahahalata na pakana mo yun.
pero pag nananalo ako, kulang nalang e lagyan ko ng ultra electro magnetic shield  yung area namin para di magamit sakin yung technique na ako mismo ang nagdevelop at nag improve.
pero kung naiisip mong madali yun, hindi! kasi mahirap pag inalaska ka ng mga matatalinong usi sa nakikiepal sa laro nyo.
***
bat nga kaya ganon ? nakaka utot isipin na pag nanonood lang sila e ang gagaling nila pero pag sila na ang naglalaro, e nabobobo na sila. mas nakaka utot isipin na sayo madalas mangyari yun!!
ngayun, masasabi  naten na kung gusto mong gumaling sa chess, amg usisero kanalang. kase pag usi ka, di m,o naman sigurado kung makikita nga ng iba yung da moves na iniisip mo, kaya malakas loob mo na magbigay ng ekspertong tip, kunyare may magandang plano sa isip mo kahit wala naman.
kung player ka, nasa sayo kung kaninong plano ang susundin mo, yung sayo o yung sa "usi" mo, pero okay lang kahit alin don piliin mo, pareho lang naman kayong abnormal

***

TIPS PARA SA MGA WALANG MAGAWA (sa buhay, lovelife, at iba pa)

bago ang lahat, eto po ang walang katuturang introduction ko :
mey napanood ako dati, sabi sa palabas na yun kapag daw wala kang magawa, antawag sayo e "UNGAS". pag sinabi mong wala kang magawa, ungas ka. at binago ng palabas na yon ang buhay ko, kung pano at bakit, e wala ka nang pakialam don. nararapat din sigurong tawagin ang post nato bilang "TIPS PARA SA MGA UNGAS":


***

  1. una sa lahat, alamin mo muna kung talagang wala kang magawa. baka naman iniisip mong ungas ka e pero nagsusugal ka at pinababayaan mo ang pamilya mong kinabibilangan ng dalwang sipuning bata, batugang lasenggong asawa, at extrang kabit mo, hindi ka ungas pag ganon. may gingawa ka pa rin eh, KAGAGUHAN. dapat wala ka talagang ginagawa, yung ungas ka talaga. kase dimo masusunod tong mga tips na to kung hindi ka naman ungas tulad ko.
  2. ang tao, pag na uungas, naghahanap ng mgagawa. ganito ang gawin m opag aminado kana at taos sa puso mong inaamin na ungas ka, mag isip ka ng gagawin. simple. tumingin ka sa paligid, parang yung pagtingin mo sa legs ng kaklase kong babae tuwing tumataas ang palda nya. hanggang sa me mapagtuunan kang isang bagay. halimbawa : nakita mo ang isang fish bowl na may laman na isda (o aso kung sa tingin mo pwedeng may-aso sa fish bowl), pwede mong kunin yung isda at subukang lunurin o tignan kung tatagal sila ng walang tubig. galing no ???
  3. pahabol sa tip #2, pag may napagtuunan ka na ng pansin, mag focus ka don. halimbawa, yung fish bowl ulit, pag tapos kanang alamin kung malulunod sila o tatagal ng walang tubig, try mo namang makipag titigan sa kanila, singka tagal hindi kumukurap. ayos yun! pede rin yung subukan mo kung ikaw malulunod ka sa fish bowl.
  4. kung estudyante ka't sa palagay mo e tapos mo nang gawin ang assignments at projects mo, na hindi mo naman talga ginawa, mas maganda kung wag kna pumasok para di mo na mapass ang assignment na pinaghirapan mo, sa ganitong paraan, hindi kana ungas, TARANTADO KANA.
  5. may mga taong walang hobby. kahit ano wala. ako, marami akong hobby, pero pinakagusto kong hobby yung pagtripan mga abnormal kong kasama. kung ikaw ay nauungas, maganda kung pumili ka ng hobby mo. yung nag eenjoy ka na, malilibang kapa. pwede yung dikitan mo ng bubblegum sa buhok ang kasama mo, mag eenjoy kana sa thrill ng paglilihim na ikaw ang nagdikit, nalibang kpa sa panonood kung pano nya tatanggalin yung bubblegum. may bonus pa, matithrill ka rin at maeexcite sa part na pag nalaman nyang ikaw ang nagdikit, hahabulin ka nya ng shotgun ng tatay nya.
  6. ang taong ungas, nakokornihan sa mga tips nato.  pero susundin nya, kaya tip lang ibang post nalang ang basahin mo kesa dito, kung corny.
  7. kung magkasama kayo ng BF/GF mo at pareho kayung ungas, gumawa kayo ng bagay na pareho kayung maliligayahan. pwede mo syang tanungin kung pwede syang tumuwad........at... ipasok................sa loob ng oven. ayos. once again, di na kyo magmumukhang ungas, ADIK pwede pa.
  8. sa mga desperadong ungas dyan,eto ang da best na tip at pinaka exciting. punta ka sa daan, maglakad lakad ka tapos sa bawat makakasalubong mo, kalabitin mo, pag tumingin tanungin mo : "tao kaba ?????". maaastigan ka sa mga reaction nila, lalo na pag dimo sila kakilala.
  9. kung mababaw ka't hindi ka nakokornihan sa mga tips ko, mababasa mo tong tips #9 at susundin mo. kapag nauungas ka, lumabas ka ng bahay sa tabi ng daan, mag abang ng tricycle. habang malayo pa, sumenyas ka na sasakay ka, tapos pag papunta na ung tricycle, magtago ka. astig. o kaya pwede rin pag me gusto ka pagtripan tanungin mo : " if you collect all 7 dragonballs, what is your wish and why?" pag sumagot sya ng seryoso sabihin mo " naniniwala ka don ????"
  10. congratulations! dahil narating mo  ang tip #10, ibabahagi ko sayo ang solusyon sa pagiging ungas, eto ang sagot pag wala kang magawa o ungas ka : MAGPAKAMATAY KA . solid. me nagawa ka ng kakaiba, sisikat kapa kahit saglit lang. basahin sa post kong "TIPS PARA SA LIGTAS, MAGINHAWA, AT DI MALILIMUTANG PAMAMAALAM SA MUNDO" sa ibaba ang mga tips na makaktulong sayo. kung abnormal ka at susundin moto, CONGRATULATIONS  ulit dahil naka-uso ka.
***
TRIVIA : ang mga ungas daw e mahilig gumawa ng mga tips para sa mga walang kwentang bagay. kung di nyo maarok kung bakit ko sinusulat ito , ngayon lam nyo na.

Lunes, Disyembre 19, 2011

Life Without Electricity



***
walangyang video, ngaun lam nyo na kung ano mangyayare pag walang electricity...
sino kaya mepakana neto ? malamang yung mga electriccompanies na ayaw malugi dahil sa mga di nagbabayad ng bills. astig!! naisipan siguro nila na gawin tong video na to,para kumbaga e matakot yung mga taona mawalan ng kuryente. kaya mapipilitan sila na magpakabit ng electric connection. sino ba naman me gusto na paggising mo palang sa umaga e alarm clock mo yung usok ?

***
tapos pag kakain ka me usok parin !!!hanggang sa daan! hehehe antalino naman ng hinayupak na gumawa ng video nato. nagtataka lang ako sa opisina, bakit walang usok yung mga fluorescent ? pero yung computer meron

***

sendong, sila nalang!!!

ANDAMING napinsala ni bagyong SENDONG. kung nanood kayo ng news, na sa tingin ko ay hindi  naman, daan daan pa ang nawawala, pero patuloy pa ring me nakikitang bangkay.
tsk tsk tsk...

kung me kakayahan akong makipag usap ke bagyong sendong ganito siguro usapan...

AKO: bakit yang mga yan ang sinalanta mo ?
SENDONG : eh dito ako napadaan eh
AKO : dapat di ka dyan nanalasa
SENDONG: BAKIT ?? SINO KA BA ???
AKO: dapat sa lugar ng mga BUWAYA ka nanalasa !!
SENDONG : huh?? ano pinagsasabi mo ? di kita maintindihan
AKO: dapat yung pugad ng mga kurakot na opisyal yung binagyo mo para sila na lang namatay, hindi yan!!!
SENDONG : hmmmmm mey punto tong unggoy na to ah ...
AKO : DI AKO UNGGOY!!!

***
Logs washed away by Sendong's rampaging floods in Iligan litter the waterways
Ang buset, bakit kung san pa yung maraming hirap na tao, dun pa bumagyo.
napakaraming taong namatay. matanda, bata, babae, lalake, bakla, tomboy, mukhang unggoy, mukhang aso, aso,at marami pa, hindi pinaligtas. yung isang eskwelahan nga,kindergarten yta, dinala ng baha 10 feet antaas o lagpas tao napunta sa gilid ng kalsada. nakakaawa. makadurug puso. magpapasko pa naman.

***
kung sa mga mayayamang asal hayop nangyari to, malamang mawalan agad sila ng pag-asa. di kasi sila sanay sa hirap di tulad ng mga mahihirap
hindi sila sanay bumangon pag nadapa.
sila kase yung tipo ng tao na sanay sa ginhawa. sanay sa kasaganaan,kay pag nakaramdam ng hirap,sumusuko agad. tingin nila wala agad pag-asa

***
kaya dun sa mga nasalanta ng bagyo, please wag po kayong mawawalan ng pag-asa. may magandang plano ang Panginoon sa inyo. at pramis,tutulong kameng mga abnormal sa inyo !!!!

***
sana talaga yung mga salot ng lipunan at ng gobyerno na lang yung binagyo.
(magtatago na ko, baka ipabaril nako ng mga ... mga ..ano... bassta !!lam nyo na yun! )

Linggo, Disyembre 18, 2011

TIPS PARA SA LIGTAS, MAGINHAWA, AT DI MALIIMUTANG PAMAMAALAM SA MUNDO (GALING KAY BOB ONG)

ang sumusunod na post ay mula sa "ang paboritong libro ni Hudas"  na sinulat ng idol ko, si bob ong


  1. bago ang lahat, alamin muna ang tamang dahilan sa pag susuicide. kung ang problema mo ay dahil lang naman sa wala kang pera o iniwan ka ng minamahal mo, hindi ka dapat magpatiwakal. ang mundo ay tambak ng mga tao na pwede mong mahalin, at ang pera ay pwede mong kitain, kaya hindi ka pwedeng mawalan ng pag-asa. ang pagkitil sa sariling buhay ay karapatan lamang ng mga taong gumagamit ng cellphone at nakikipagkuwentuhan sa loob ng sinehan.
  2. kung desidido ka na sa gagawin mo at sa tingin mo ay meron kang tamang dahilan para gawin ito, ang susunod mong hakbang ay ang pagpili ng paran ng pagpapakamatay. ang mga popular na paran ay ang pag bibigti, pag-inom ng lason, pagtalong sa riles ng tren, pagbaril sa ulo (o sa puso, kung wala ka nang ulo pero buhay ka pa rin), at paglalaslas sa pulso. ang mga jologs na paraan ay ang pagtalon sa mataas na gusali, pag papasagasa sa EDSA, at pagpigil ng hininga. tandaan na maaari ka pang mabuhay apag nagkamali ka sa pagsasagawa ng mga nabanggit, kaya pumili lamang ng isa na hiyang sayo.bukod dyan marami rin sa mga paraan naito ang makalat at nakakapangit. dyahe naman kung pag titinginan ng mga tao yung mukha mo sa ataul tapos mukha kang dehydrated na langaw.
  3. sumulat ng suicide note.eto ang exciting, dito pwede mong sisihin lahat ng tao, at wala silang magagawa. sabihin mo na hindi mo gustong tapusin ang iyong buhay, kaso bad trip sila lahat. pero wag ding kalimutang humingi ng tawad sa bandang huli para mas cool pag ginawang pelikula ni Carlo J. Caparas ang buhay mo. at  tandaan, importante ang suicide note para malaman ng mga tao na nagpakamatay ka nga at hindi na-murder. sa ganitong paraan, maiiwasan ng PNP ang pagkuha sa kalye ng kahit sinong tambay bilang suspect.
  4. pumili ng theme song. banggitin ang iyong special request sa suicide note. ipagbilin na patugtugin ito sa prusisyon ng iyong libing. iwasan ang mga kanta ng Salbakutah. dapat medyo mellow at meaningful...tulad ng mga kanta ng sexbomb.
  5. isulat ng maayos ang suicide note. print. iwasang magbura. gumamit ng scented stationary at #1 mongol pencil. lagdaan. huwag gumamit  ng sticker. ilagay ang suicide note sa lugar na madaling makita. idikit sa noo.
  6. planuhin ang isusuot. isang beses ka lang mamamatay, kaya dapt memorable ang get-up. pumili ng mga telang hindi umuurong o makati sa katawan. magbaon ng dalawang pares pampalit pag pinawisan  ka.
  7. kumuha ng de-kalidad na ataul.maganda ang kulay puti dahil malamig at kumportable kahit tag-init. huwag magtipid. mas makakamura kung bibili na ng cable-ready, kesa magpapalit pa balang araw.
  8. pumili ng magandang pwesto sa sementeryo. ang puntod ng mga taong ipinanganak sa year of the rat, dragon, rabbit, snake, tiger, chicken, pork, at beef ay dapat nakaharap sa fiesta carnival. ang mga ipinanganak sa ibang taon ay dapat i-cremate at gawing foot powder, para gumaan ang pasok ng pera.
  9. itaon ang araw ng libing sa unang dalawang linggo ng buwan, o di-kayay sa huling dalawang linggo, para gumaan ang pasok ng pera.
  10. kung meron ka nang NBI ta police clearance, affidavit of loss, voter's ID, cedula, promissory note, original copy of birth certificate, at urine sample, pwede mo nang isagawa ang kalugud-lugod na gawain. siguraduhin lang na hindi ka mababalita sa tabloid, katabi ng mga article tungkol sa kabayong may tatlong ulo, at sirenang namataan sa manila bay. para gumaan ang pasok ng pera."
END

TOTOO BA ? [ BAYANG MAGILIW...]

PILIPINAS. PILIPINAS. PERLAS NG SILANGANAN.

LUDIMAR: ano ang title ng pambansang awit ng pinas ?
AKO : sus yan lang ??? tinatanong mo pa. common sense !!!! ede BAYANG MAGILIW !!!
LUDIMAR: (laglag sa upuan kakatawa)

corny ba ?
sa mga ulyanin, "bayang magiliw" talga ang sagot dun. pero sa mga normal na tao"LUPANG HINIRANG" yon.
pero... mga pre, mga kababayan, mga chismosa, mga mukhang kulto, at mga naging pang gulo este pangulo, matanong ko kayo,
TOTOO BA?? NA "LUPANG HINIRANG" ANG PINAS ???
HMM ... kwento ko muna,:
pagkatapos akong pagtawanan ni ludimar dahil  sa sagot ko, ginusto kong tanungin ng parehong katanungan ang mga kaklase ko, para sa ikatatahimik ng pride at kaluluwa ko.
resulta ? lahat halos ng kaklase ko sumagot ng "lupang hinirang". putek. may isa, hindi sumagot. di yata alam. di yata taga pinas.
walangya, ako lang nagkamali.
sa tingin ko lalong bumaba tingin nila sakin.
pero dahil mas malaki lang konti sa alikabok ang utak ko, tatanong parin ako :
TOTOO BA?? NA "LUPANG HINIRANG" ANG PINAS ???
yow, hindi ko sinasabi na  tama yung sagot ko (ksi mali naman talga.) ang gusto ko lang malaman kung totoo ba ???
"bayang magiliw
perlas ng silanganan,
alab ng puso,
sa dibdib moy buhay..."
ayos ang lyrics, talagang para sa bayan. sa kasamaang  palad, bakit parang ang "alab ng puso..." na sabi sa kanta'y ..."sa dibdib mo'y buhay..." e sa kanta nalang totoo.? hindi na sa pinoy mismo ?
langya. ang cp ko "myphone", me picture ni ninoy at cory sa likod, mapa ng pinas ang background. buti pa cp, makabayan talaga, e tayo kaya ?
umamin ka , marami kang kaibigan o kakilalana mahilig sa imported product, diba ? totoo ba? ayun e. alam ng halos karamihan yung "pilipino muna" at alam din nila kung bat me ganon. pero bakit ganon ?mga nakikita ko sa daan : american style na bahay, korean cut na buhok, japanese style na pananamit, waaaaaaaaaaaaah !!! kitang kitang pinoy sila!!!
"...buhay ay langit sa piling mo
  aming ligaya na pag mey nang aapi
 ang mamatay ng dahil sayo...|"
o...ano?gusto mo pa ? eto banat ...
langit daw ang buhay sa pinas, sa "lupang hinirang".. weh ?di suguro ...
bakit may mga squatters ? bakit may mga nagrarally ? bat mey patayan ?bakit may mga umiiyak dahil sa pagkamatay ng mga biktima sa "maguindanao massacre" ? bakit ???
oh ano ? langit ba ?
oo siguro, kase pag andito ka madali kang makakapunta sa langit (kung mabait ka) o kaya sa impyerno.
sa totoo lang parang gusto kong batukan sarili ko, kase  parang sinisiraan ko ang sarili kong bansa.
pero....... TOTOO NAMAN DI BA ??

yung last two lines ng lupang hinirang, ganon ba talaga yun ?
ligaya ba talaga na mamatay ka para sa pinas ?
para sakin oo--ewan ko sa iba, sa karamihan
oo, pinagtanggol  ng mga katipunero ang pinas laban sa mga espanyol, hapon, aremikano, at mg pokemon. pero ngayon kaya ?pag sinakop tayo ng mga aremikano, me mag aala andres bonifacio atapang a tao pa kaya ?
ewan lang ahh pero.......
PEDRA : uy! sasakupin daw tayo ng mga aremicans !!
JUANA : owws ? talaga ? ayos yun !
PEDRA : onga ! magiging dollar yung pera natin!
JUANA : tska malalahian tayo ng matatangkad!
PEDRA :astig ! aremican style na , dina kakailanganin ng kanin !
AKO : (sisingit) MGA TANGA ! di nyo ba alam na naghihrap na ang mga kano ? dapat sa japan nalang!! hahaha
(burado ang lahing pinoy)

*ngayon tatanungin kita ulit ...

TOTOO BA?? NA "LUPANG HINIRANG" ANG PINAS ???



Sabado, Disyembre 17, 2011

ANG MAGTANONG ... PANGET!!!

ANAK : 'tay bakit po maraming nag-aaway ?
TATAY : kase di sila nagkakaintindihan nak
ANAK : bat po di sila nagkakaintindihan tay ? pareho naman pong tagalog salita nila?
TATAY : hiNdi sa salita, kundi sa gawa ...
ANAK : ano po yung di nila naiintindihan ?
TATAY : anak, pag nahihirapan ang tao, nahihirapan siyang intndihin na meron syaNG kapwa na nangangailangan din ng mga pangangailangan niya ...
ANAK : san po siya nahihirapan tay ?
TATAY : sa buhay
ANAK : pano po ? bat sya hirap ?
TATAY : minsan kapos sa pera, walang trabaho, ganun...
ANAK: bat po ba kelangan ng pera tay ? kasalanan po ba pag walang pera ?
TATAY : HINDI KASALANAN PAG WALA KANG PERA, pero pag wala kang pera mhihirapan kang mabuhay
ANAK : bakit po ?
TATAY : kase pag marami kang pera, marami kang kayang bilhin...
ANAK :  lahat po ba nabibili ng pera ?
TATAY : HINDI LAHAT NABIBILI NG PERA ANAK. materyal ng bagay lang ang kayang bilhin ng pera. yong PAGMAMAHAL, TIWALA, HUMILITY, MGA KAIBIGANG TUNAY, YANG MGA YAN, DI NABIBILI NG PERA. YAN ANG MGA IMPORTANTE
ANAK : tay mas importanti po ba mga yon kesa materyal na bagay ?
TATAY:  oo anak, DI MATUTUMBASAN yun ng pera .
ANAK :  kung mas importante po yun tay, e bat po yung mga tao nagpapAtayan para sa pera para makabili sila ng mga materyal na bagay?
TATAY : kase me mga taong alam ng hirap yung kapwa nila, pinapahirapan pa nila lalo. at pag ganun, napipilitan yung mga tao na gumawa ng mga bagay na ayaw nila, mga bagay na masasama...
ANAK : SINO PO YUNG MGA TAONG YUN ?
TATAY : madami anak, MADAMI... yung mga ganId sa pera at alang pakilam sa iba
ANAK : gaya nino tay ?
TATAY : ahmmmm... gaya .... gaya ng MGA MAY KAPANGYARIHAN ...
ANAK : kapangyarihan ?
TATAY : oo anak, yung mga me awtoridad sa tao, yung maraming pera, yung ginagamit ung pera para Lalong magpapera. at kontrolin at sundin sila ng mga tao ...
ANAK : BAD PO BA SILA ?
TATAY : OO
ANAK : PERA po ba talaga ang PUNO'T-DULO ng lahat ?
TATAY : oo anak, oo
ANAK : bad po ba talaga yun /???????
TATAY : oo anak, bad talaga yun ...
ANAK : TATAY !!! BAD KAYO !!!! AYOKO NA SA INYO ! AYOKO NA MAGING ANAK NG TONGRESSSMAN !!!!!!!!! BAD KAYO!!!! BAAAAAAAAAAAAAAADDDD !!!!!!!!!


(PAG DI NYO MAINTINDIHAN, INTINDIHIN NYO NA LANG)

kdramahan o KAABNORMALAN ???

DEAR ROZEL ,
           hello ! Pasko nanaman! ... 25. hehe february 25 yung monthsary natin diba ?? mag tu two years and ten months na sana tayo sa pasko . kundi lang...hay.
           nag palit kaba ng number?? tinitxt kita pero di ka nagrereply. nagpalit ka noh ? andaya mo, antagal kita hinanap, sabi mo antagal mo din ako hinanap, tapos ngayung me contact na tayo, parang pinuputol m. kunsabagay, ako rin naman nung... haay
           kumusta na nga pala kayo nung bf mu ?? si... jeffrey ba yon? binali ba nya ulit sim mo ? sabihin mo wag nya ko pagselosan kse sya mahal mo at di mo na ko mahal , diba ?? gusto ko lang e subaybayan kita kahit sa txt lng. naaalala mo pa nung dati  ? yung mga times na magkasama tayo ? nung ... haay
           naaalala mo nung sinagot moko sa canteen ? akala mo nun sobrang saya ko lang, pero dimo alam, di lang ako masaya, kundi, masayang msayang masayang masaya ! kase sinagot moko. parang nagliwanag yung madilim na canteen nun. parang sobrang bait ng mundo. di ko inakalang... haaay.
           tsaka pala, naalala mo pa nung nagpapalitan ng pocketbooks mama ko at mama mo ? ikaw courrier ng mama mo nun. hanep, alam mo bang each time na darating ka, nagpapanic ako ? gusto ko kasi maayos lahat ng madatnan mo. kase mahal kita. pag hinahatid kita syempre me goodbye kiss... at yung unang "goodbye kiss" na binigay mo sakin, yun na rin pala ung last. kase ... haay
            ahhh !! di ba nung graduation ng kapatid ko sa elementary nandun ka .? magkasama tayo nun. pirmahan ng clearance. medyo nagkatampuhan tayo. tapos sumama ka sakin pauwi. graduation day pla ng kapatid ko... kinarga mo yung bunso nmin. nakita kong magiging mabuti kang ina smeday. hanggang gabi nun, magkasama tayo. proud na proud ak kase GF kita. at mahal moko. noon. pakiramdam ko mas masaya pako sa nag gagraduate. kase nandun ka. ksama ka sa isa sa mga importanting okasyon sa pamilya namen. hindi mo lang alam pero sa tuwing naaalala ko yon, bumabalik pagmamahal ko sayo. ikaw din unang nag sabi sakin na mukhang babaero papa ko,at dika nagkamali.marami pa sana tayong ganung memries kaso ... haaay
            naalala mosi nathaniel ? kaklasen  mu un, na nakaaway ko. nasa rm nyo ko tapos lumabas ka saglit, pagbalik ny ,  nag kakainitan na kami.pero ikaw mismo hinarang mo sarili mo nung umamba ng suntok si nathaniel, uminit ulo ko nun. kase baka matamaan ka. kahit mabait ak at banal, napikon ako nun. pero ikaw para awatin ako at diko sila patulan tinulak moko malapit sa pinto at niyakap. apuwi nun, kinausap ako ng isa mong kaklaseng lalaki, nagpapasorry. alam ko ikaw me kagagawan non. sa tricycle, sabi ko lang "byernes ngayon, la bang kiss jan ?" tapos tumingin ka sakin, akala ko sa cheeks lang, pero binigay mo sakin ang first kiss ko. kala ko nun di na talaga tayo maghihiwalay kaso ... hay.
             lahat to naalala ko, pero may isa pagn alaala na ayoko na alalahanin kase ... hayy.
             basta kung nsan  ka man ngayun at kung totoo ung balita na gann ung trabaho mo , sana maging mabuti buhay mo , mahal kita e., kaso di na tayo pwede. haaaay... lagi kang mag iingat ha ?
                                                                                                               
                                                                                                                               lubos na nagmamahal
                                                                                                                                ace...
P.S.
     yayakapin sana kita at aalagaan e sa susunod na magpunta ka sa apartment namen, kaso di kana bumalik... kase lumipat na kami.

NAKAKA ANO DIBA ????

Maydiniscribe na set-up si bob ong dun sa "kapitan sino".eto yung, maraming bata sa kalsada tapos maraming nakatambay, sakop halos yung daan. me nag iinuman, may nagkukwentuhan, may nag tsichismisan, blah blah blah...
naiimagine ko, may nagkukutuhang mag ina sa gilid, yong mga lalaki, parang babae, anlalaki ng tyan nila, tapos yung mga dalagang babae pati bata tag hirap sa tela, bakit ? kase parang nagpapaaiklian sila ng short. kung pwede nga siguro, di na sila magsoshort. para ipakita yung nakakasilaw (minsan nanlilimahid) nilang legs. ano ba mapapala natin sa legs nila.? nakaka ano, kase maging ako ganito rin.
laking probinsya ako, sa pampanga, pero marami kaming kamag anak sa maynila. kaya minsan e napapadpad kami dun. sa tondo. hanep. nung bata pako di uso sakin mga salitang kalye. kumbaga e banal ako nun. habang tumatagal, kahit ayoko, unti unti kong natutunan mga kalakaran sa mundo, natutunan ko iba't ibang kalokohan. siguro ganon talaga. natuto akong makipag away, natuto akong mangatwiran, natutong sumagot, natutong mangupit, natutong manood ng mga di dapat panoorin, natutong sumuway at marami pang iba. pero sigurojugn hindi ko natutunan mga yon, di ko rin matututunan yung mga bagay na mas mahalagang matutunan kesa mga matututunan ko sa eskwelahan. nakakaano lang ksi, mas matututo kang gumawa ng tama pag nakagawa kana ng mga pagkakamali.
di ko matututunang pagbawalang sumama sa mga lukoluko kapatid ko dahil baka mapano sya kung di ako naging lukuluko rin mismo.
di ko matututunan na dapat sinupin ko pera ko para di makupitan kung di rin ako naging husltler na mangungupit. nakakaano talaga!
akalain mo, bakit kelangan pang mapasama muna ako bago ako mapunta sa kung ano ako ngayon.
nakakapikon na namulat ako sa lipunan na maraming kabulukan.
nakakabaliw isipin kung pano sosolusyonan ang lahat ng mga sakit ng lipunan kung naging sakit din ako nito mismo.
nakakasakit ng damdamin pag piniilit mong tulungan ang kapwa mo pero sila mismo di nila tinutulungan sarili nila.
nakakaano talaga.
nakakaasar.
nakakapikon.
nakakabaliw.
nakakasakit.
at nakaka ano.

Biyernes, Disyembre 16, 2011

SA TXT NGCMULA, SA TXT NTAPOSH... :(

Nang bakasyon before ako mag third year, nagkaron ako ng GF. Itatago ko sya sa pangalang "ligaya". ipinakilala sya sakin minsan ng mama ko. binigay lang number sakin tapos tinext ko. binigay daw ng katrabaho nya sa kanya. yung katrabaho nyang yun e yun yung mama ni ligaya.
nung una, ayos naman, txtfriends kame.
nung mga panahon na yon e nauuso mga JEJEMON. at dahil baliw ako, ka-uso ako. kaming dalawa ni ligaya jejemon kami.
fastforward, naging kami. nkalimutan ko na kung kelan yung petsa(sensya, ganito talaga pag matalino, ulyanin) dun sa panahong kame ni ligaya e mag BF/GF, lagi kaming nag uusap, nagbibiruan, at nagkukwentuhan--sa txt.
akalain mo, nang dahil sa kanya, lagi lagi akong nagloload. maghapon magdamag, magkatxt kami.minsan e walang tulugan, gabi to umaga magkausap  kami sa cp. yung cp na gamit ko, sa pinsan ko. hindi na nya nagagamit dahil sakin.
tapos nung time na nasira yong cp at di ko na magamit, naiyak pako kasi diko na makakatxt yung "bhie" ko--si ligaya.
tapos me nahiram ako cp. napag usapan namin ni ligaya na magkikita kami. at eto, bilang patunay na mahal nya ako , sya pa nagpunta sa lugar namin. hanep. bute me kasama sya. anlayo nung sa kanila e.
walangya, tumakas lang daw sya. gwapo ko!hehehe(pramis di na to mauulit) siguro malabo mat nya, pero  nung nakita nya ako, nung pagkakita nya sakin narinig ko sabi nya:
"ayiieh!! ka cute nya!!!(sabay batok sa kasama nya)"
hehehe pasensya sa kayabangan pero totoo yan. ako naman, nung mga time na yun, hindi ko alam ang gagawin ko. nataranta ako. kinailangan ko pang magpatawag ng back-up sa kapatid ko. shit. sabi ko di ako magpapanic pero nung nakita ko sya, nagpanic ako, pero di sa dahilang iniisip kong magiging dahilan. sa fb amputi nya!! ansexy!! anlakas ng dating. akalain mo, lakas makafake ng pictures.
fastforward ulit, after mga 2weeks, break na kame!!! ang nagyari nun e hindi ko na sya sinubukang contakin, basta yun na yun! sabihin nang masama ako at tumitingin lang sa pisikal, pero ayoko na sa kanya.

AT AFTER ONE YEAR, may nakarelasyon ulit ako (ng seryoso) sa pamamagitan ng mapagpalang CP.
itatago ko sya sa pangalang "chinita". chinita kase sya e. di ko pa sya nakita sa personal. hanggang ngayon. at eto trivia, sineryoso ko sya. bukod dun sa first love ko, sa lahat ng naging GF ko, sya pa lang iniyakan ko ng gabi gabi.
sa clan kami nagkakilala.nung una, binibiro biro ko sya,  tuksuhan. tomboy sya tapos ako ung bakla.
ganun lang. pero nugn nagtagal, naging kami. nagkunwari akong lasing sa txt, at kunwari nadulas ako. nagtapat ako. pero noon, ala ako balak seryosohin sya kase nga txt lang. mas mahal ko pa ang "bleach anime" at si "voltes V' kesa dun. pero after ilang months, naramdaman ko na lang na wala nang kwenta ang cp ko kung diko sya makakatxt.
ang galing. nagtagal kami 4 months.
ouch! sakit 
pero nung halos ala pang 1 month ang klase, (4th year nako) nakipag break sya. sa txt. hanep. ayoko na ikwento maiiyak lang ako, mamimiss ko lang mga biruan, kwentuhan, at tuksuhan  namin. grabe. KARMA yata yon ( oo karma nga daw yun sabi ng mga kakilala kong babae )
eto lang natutuhan ko :  
pag sa tx kayo nagsimula, malamang sa txt din matapos yan.
wala paring tatalo sa relasyon na nakilala nyo muna ang isa't isa ng mabuti, at nagkakilala kayo ng personal.
(pahabol trivia: hanggang ngayon nagkakarelasyon pako sa mga katxt ko, pero sinisigurado ko hindi ko iniinvolve masyado ang feelings ko... talo ako pag ganun e, just recently, meron nagtangkang mag suicide(daw) na naging Gf ko sa txt. pero ngayon buhay pa sya. at friends kame.. patawad po sa kayabangan)

Huwebes, Disyembre 15, 2011

UNFORGETTABLE TEACHERS :)

(naisulat ko ang blog nato sa kawalan ng magawa)
eto ang colllection ng mga diko makakalimutang teacher nong past life ko :
kung di nyo maintindihan, intindihin nyo nalang
1) c'name: MAPEH KALBO : teacher ko sa mapeh nung first year. maitim,kalbo, at may two front teeths na katulad nung kay mickey mouse.di koto makakalimutan kase sa klase nya,lahat ng greenminded nagigising. lagisyang me banat sa ganun. sabi nya preparation daw samin yun kase may kaugnayan yun sa lesson namin. pag nagagalit sya, lalo syang umiitim.
2) c'name: sir astrology : ganyan ang cname nya pero wlang kaugnayan sa astrology ang subjets nya. di k sya makakalimutan kase bukd sa TLE, values teacher din namin sya nung first year. parang tatay o lolo k na yan. mabaet kasi sakin. at palabiro din sya. sya din adviser ng GF ko nun e
3)  c'name: mrs garcia : wala nakong maicp na ibang cname para sa kanya, pero eto talaga totoo, nung second year ako, kapag napapaaway ako o me gulo, lagi nya ko pinagtatanggol, para ko sya lola. di nya ko masyado pinapagalitan. naalala ko nung nireklamo ako/kami nung nanay nung binugbnog namin na sumasali sa fratfratang binuo namen, kulang nalang talga ilagay nya ko sa drawer ng table nya para itago dun sa nagrereklamo. parang apo nya ko !!!!!!!!!
4)c'name: sir mapa-ng-asya : eto ang malakas ang trip!!! nung 2nd year ap, pinakabisado samin ung buong mapa ng asya !!!!!  pwesto, capital at name  ng bawat bansa sa bawat region ng asya!!!!! at eto pa, mahilig syang yung bigla biglang ipapalo ung stick nya sa table nya. nung third year k na lang nalaman na sa mga palo na yon pala, sumasabay yung utot nya.
5)c'name: perfectionist : eto naging adviser ko. sya nagturo samin ng espren ko na masagwa yung nauuna yung pandoble mong damit na makita kesa polo, sya din madalas magpaalala samin nun na dapat complete uniform, dapat nakasuot lagi yung ID at nakapolo. sya rin yung kilala kong teacher na kapag sa umaga naabutang madami yung kalat sa rm., kawawa yung cleaning grup sa araw na yn. kasi 1 oras, buong first subject nmen,maglilinis sila.mpag minamalas malas, may sermon pa pagtapos quiz naman, pero aaminin ko, crush koto kahit me asawa na.
6) cname: stallion:  eto di ko sasabihin kung anong subject at year ko sya na teacher. basta masasabi ko takot ako sa kanya at diko sya makakalimutan kasi sya lang teacher na kilala ko na naninipa na parang kabayo, patalikod!!!! at masakit!!!!!!!!
7) c'name:lolo basyang: bespren ni sir mapa-ng-asya. sa subject nya, nong simula palang ng klase, napapasquat kami,. grabe. nung ako, napasquat akop mahigit 45seconds. pero sa teacher na to ako pinaka bilib, pinakanaaawa. basta, kwento ko sa mga susunod kong blog. tinawag ko syang"lolo basyang" kase nun, pag tapos na syang magturo (o tamad at wala ng maituro) nagkukuwento sya ng kung anu-ano.(pero sabi ng mga barkada ko, lahat yon gawa gawa nya lang)
8) c'name: maam values :sa kanya ko lahat utang ang kabutihang asal na nadagdag sa bokabularyo ko. basta. ap teacher din namin sya. lagi nyang sinisingit sa mga lesson namin sa economics yung tungkol sa "early marriage" at "humility". hanep! tagos tagos sakin mga sinasabi nya minsan. tungkol sa moralidad, basta. valuse teacher talaga. diko talaga sya malilimutan. kase ayaw nyang nakikipagBF/GF agad mga estudyante peo mahilig sya(at hobby nya) na imatchmacke kame at iloveteam!!!!!!!

(nagawa ko ang blog nato sa kawalan ng maisulat)

WAG MONG BASAHIN KUNG TANGA KA

masakit magmahal.
kung ayaw mong masaktan, di ka pedeng magmahal kse ang tunay na pagibig , yan yun tipong basta makita mong masaya yung mahal mo sa iba kahit selos na selos kana, okay lang sayo. at di mo tatangkain sirain ang relasyon nila. magpaparaya ka kung ikaliligaya nya yun. kase hindi naman porket mahal mo sya e dapat mahal kana din nya. tandaan mo : ang totoong pagmamahal, nagsasakripisyo.
minsan sinusubukan lang tayo kung hanggang san yung kaya nating tiisin para sa mahal natin. kung alam nating mas makabubuti sa kanya na hindi ikaw ang mahalin nya, ikaw mismo gagawa ka ng paraan para makatagpo sya ng kaligayahan na hindi nya makukuha sayo.
wag mong pilitin na mahalin ka nya kung ayaw niya dahil kung mamahalin ka nya, kusa nyang mararamdaman yun.
malungkot, minsan napakahirap tanggapin dahil kung makulit ka at pinilit mo parin na mapsayo sya kahit di ka nya talaga mahal, sa huli pareho kayong talo. mabubuhay ka sa pekeng kaligayahan. hindi mo mararamdaman ang saya na gawa ng pagbibigay nya sayo ng pagmamahal na binibigay mo din sakanya.
kung magmamahal ka, sa ayaw at sa gusto mo, masasaktan ka. magparaya ka ngayon, in time ibibigay sayo ang totoong magmamahal sayo.

Sa Sobrang Bait...

hospitality. pangatlo ang hospitality sa mga sinasabing magagandang traits  ng pinoy. una yung pagiging hardworking, pangalawa yung... naklimutan ko, sensya... at pangatlo nga e yung HOSPITALITY nga.(actually me pang apat pa, yung "pagbabasa ng mga blog ni ace sa acezone")
ano ang hospitality?? eto yung pagiging baliw este magiliw natin sa pagtannggap ng mga bisita, yung pagiging mapagbigay natin  sa kanila.
oo. magandang katangian natin to. maraming pinoy na talagang mabait, galante, magiliw, at plastic sa pagatanggap ng ga bisita(yung huli e hindi totoo all the time satin) kase kultura na ntin yan. tayo yong kapag me bisita parang automatic na na kailangan nating magpaimpress sa kanila. gusto natin na  bumilib sila sa kung paano magtulung tulong ang pamilya, humanga sa masaya't magiliw na pamilya, bumilib sa pakikisama natin ( kung saan ang mga yan e nangyayari lang talga pag me bisita, pag walang bisita wala din yan)
walang tatalo satin pagdating sa hospitality, tayo yung astang "sege okey lang, dyan na kayo matulog sa malambot at komportableng kama, kame dito na lang sa malamig at matigas na semento at maraming lamok." ganyan tayo e di ba ? pero ok lang para sakin yan kase baka maraming surot yung kama.
pero eto, kaya nga maraming dayuhan ang wiling wili sa pinas kase minsan(madalas ata ?)  yung mga layaw nila sa bansa nila bawal, dito malaya silang gawen, (remember yung mga nahuling korean nat'l na organizers ng online dogfighting?)  pag me dayuhan dito sa pinas,langya, sumusobra sa hospitality tayo. imba. sa sobrang bait naten,parang tayo na mismo ang "nagtuturo" sa mga bisita o dayuhan na abusuhin tayo. kase minsan (o mas madalas) sa sobrang hospitality imbes na pakiramdam nila e isita lang sila, nagiging boss ang tingin nila sa sarili nila. kakayan kayanin lang nila tayo.sa ayaw natin o sa gusto, may mga dayuhang abusado, at kagagawan natin kung bat ganon.
dapat e pag aralan natin kung pano mapigilan sa pag aabuso ang mga bisita. kesa madale tayo, kesa mautakan ede unahan na natin. indi namaalis sa noypi yan e. kailangan lang ingat. pakiramdaman natin kung sincere ba yung bisita sa pinapakita nya. dapat din e iparamdam natin kung sino mas dapat mag adjust, at sila yon. hindi tayo. hindi pwde yung para sa kanila e susuwayin natin sarili nating batas.
(ang nakikita kong pinakamagandang paraan ng pag iwas sa pag aabuso ng hospitality e gawin recquired reading ng DepEd sa highschool tong mga blogs ko)

Linggo, Disyembre 11, 2011

bakit tinatamad nakong magdota ngayon?

alam ko walang kinalaman sa ibang post ko to pero kating kati ako na sabihin na tinatamad nakong magdota ngayon.lalo na pag wala akong taong kalaro. nakakasawa din kase na puro insane yung kalaban mo e, maiinsane ka talaga.
tsaka sawa nakong nagagamit ako ng teknolohiya. ( pasensya na po kung kung anu ano pinagsasabi ko, me lagnat ata ako) dati yung pera ko nagaamit ko pambili ng mga kailangan ko sa iskul, nung elem ako.
tapos nung first at second year high school e cellphone naman kinalokohan ko. umiikot non sa pagpindot at pagkausap sa aparato ang mundo ko. naaalala ko non e nagmumukha akong zombie sa sobrang puyat dahil sa magdamag kaming nag usap ng gf ko sa cp. hanep. alang tulugan. hndi ko na sasabihin na nung nag meet kami ng gf kong yun e ilang weeks lang nag break na kame. nakakahiya, para sa knya. hehehe!
at ng mag third year ako e natuto akong mag dota. lagi yun! kada uwian nag lalao kami ng mga mate kong lalaki. at lagi din akong talo nun, kase nga e beginner lang . kumbaga newborn fetus palang ako sa mundo ng paqgdodota. nakaliutan ko na nun na dumepende sa cp, pero napalitan naman ng pag cocomputer, adiiiiik
tas ngaung fourth year e mejo nabawasan na pagdodota. salamat sa pressure ! kase gsto ng mama ko e makakuha ako KAHIT VELEDICTORIAN LANG, KUNG HINDI MAN SALUTATORIAN. astig diba ? kaya ngaun e madalang na lang ako nakakapaglaro, mga 5 times a week.
ayoo na magamit ng teknolohiya. oo nakikinabang tayo sa kanila pero mas nakikinabang sila satin. wala na tayong nagagawang matino sa buhay natin kase nakadepende tayo sa mga gadget naten,.
busy tayo sa pagpapaganda ng background ng facebook account natin, sa pagpapalagay ng mga kanta sa ipod naten, sa paguupload ng pics naten, at pag pili ng magandang model ng cp, pero sa huli talo tayo kahit gano kamura yung nabili naten na cp na galing sa kapitbahay nating magnanakaw, kase gumaganda nga gadgets naten, e tayo naman mismo hndi umaayos. nakukuha nyo ba sinasabe ko ??? kung hindi e itapon nyo na sa apoy tung pc nyo ,

Sabado, Disyembre 10, 2011

PANO LUNUKIN NG BUO ANG PAKWAN?????

kanina bago ako pumunta sa computer shop kung san ko tinatayp to e me nagtetext sakin na number lang. tinatanong pangalan ko at kung may nililigawan ako. pero syempre dahil akoy disente at private person e name lang ang binigay ko. ano sya slumbook ? hahaha. pero sa totoo lang e hinihintay kong tanungin nya ko "what is love|?" pero sa kasamaang palad e hin di sya slumbook. tinanung ko sya kung san sya nakatira, anong pangalan nya at san nya nakuha number ko. taga san isidro sya. pumasok agad sa utak ko e yung crush ko na taga dun din. sana sya nalang yung nag tetext !!!!!! sa kasamaang palad (ulit) e hindi sya. maine daw pangalan nya. hindi nya sinabe kung kanino nya nakuha number ko. 
tapos tinanong nya ko ng tanong na hindi ko naisip na itatanong ng isang matinong dalagang pilipinay:
"may gf kaba ace ?????"
hanep !!!! gusto ko na sanang isipin na isa sya fan ko  at gusto nya lang na mapansin ko sya kaya kinuha nya number ko at tinitext ako. pero naisip ko rin na wala nga pla akong fan.
kinuha ko fb  nya . para makita ko sya. pero sa kasamaang palad e walang pic yung account nya, nananadya ata.
nangyare na rin dati to ee. sa past life ko ata o nung nakatira pa kami sa planetang namek kasama sina piccolo at goku.,
pag sinagot ko yung tanong nya na wala ako liligawan, e baka sabihin nya "pwede ako nalang ???"
at hindi ako pumapatol sa ganong babae, bukod sa diko ko sigurado kung babae talaga yon at kung tao ba talaga yon e talagang nakaka turn off yung ganon. di ako gwapo. di rin naman mayaman. kaya wala akong karapatang mangarap na habulin ng mga kagandahang babae. pero syempre nangangarap ako!!! kahit naman sinong katulad ko e pinapantasya din yun. ang maganda neto e itataguyod ko ang pangalan ko at sasabihin ko ngayon na may prinsipyo ako pagdating sa ganyang mga bagay. : na gusto ko sa babae e yung mahinhin at "preserved" yung tipong nag tataktak muna ng ajinomoto sa katawan bago lumabas ng bahay????
hanep talaga ngayon . kumpara dati e mas agresibo na daw kaming mga kabataan ngayon.
nung card's out namin sa skul nung friday e nakita ko yung isa kong skul mate, parang nakalunok ng pakwan. siguro manganganak na yun ??? 2nd year o third year ata yun. kaya pala diko na sya nakikita sa skul. nagreready na ilabas yung pakwan na nalunok. na injection sya !!!!! kebatabata pa !
me kapatid akong babae at sa awa ng ajinomoto e masasabi kong malayong matulad dun sa skul mate ko nayon. bakit ? e panu ba naman, mas maton pa sakin yon ee?????? kahapon nga e me nakaaway !!! lalaki!!! ou promise lalaki nakaaway ng kapatid kong babae ..
kaso yung kalaban e siyam na taon lang ata. nakatira duin sa squatters area samin. kaya matapang. binato kami putik !!!!!! natatawang naiinis na lang ako kase antanda nung kapatid ko e pinatulan ba naman ung bata. pero ok lang at least nalibang ako kakanood sa action nila hahaha !

Biyernes, Disyembre 9, 2011

puroenglish

sawakas !!!!!! nakapag basa din (actually tingin lang hndi basa) ng ilang blogs dito !
hehehe ambabaw ko. pero npansin ko agad yung mga serious blogger e english ang gnagamit na media sa pag communicate sa mga thoughts nila. why ???????? kelangan ba english pra masabi na me sinasabi ka ? bkit ? kunsabagay, madaming ibang lahi nakakabasa neto. kaya unibirsal language gamit nya. pansin ko ee pano naman yung ibang nagbabasa na hindi masyado matiniksa english ?
yung nabasa kong nagtatagalog e parang diary,at mejo may katuturan naman yung sinabi nya.
(e yung sakin mekatuturan?) la akong paki kung di ito maintindihan ng mga ibang lahina makakabasa neto, kasi ang gusto ko e maintindihan ng kapwa ko noypi mga thoughts ko wahaha. ayokong masyado mag english para lang lumabas na me sinasabi ako o magaling ako. kase di naman. ede kung nag english ako mawawalan ng gana ibang kababayan ko na basahin ng maigi to. nosebleed sila pagnag english ako (ahem! bangya nanaman)
langkwenta post nato

confused

 nalilito nako. kahit anong paglilibot ko sa site nato e wala akong magawang matino. hindi ko alam kung pano magfollow at hindi ko alam kung pano magbasa ng blogs ng iba. haneeeep !!!!
mas nakakalito pato kesa sa lesson namen sa trigo. langya. ooops bawal ba badwords dito ?
mas madali pa palang gumawa ng winning editorial write up sa cluster presscon kesa mag post ng makaka attract sa followers sa site nato. 
ala bang pedeng magturo sakin dito ?
sana me taong parang amerika na magtuturo sakin(kahit paplastic lang) (bilang parang pinas ako) na mamahala sa blogs ko sa site nato.
nu daw !!!!????
nagrerent lang ako ng com. at magtatime nako. buset. tagal pa nyan susunod na pag oonlineko. sana me com kami sa bahay. haneeeep!!!!!

bakit ako naligaw sa website na'to?

yess!!!! sa wakas na kahanap din ng blog site. (pwede ba magtagalog dito ?)
baguhan pako kaya pasensya kung nababaduyan ka sa blog ko pero sawa nako kasi sapag popost sa fb e. wala namang pumapansin. kase mga gusto nilang post e yung mga nakakapagpatawa lang o kaya yong tungkol sa love. mga post ko e puro pang matanda daw. 
anyway, gusto ko magka account ng tulad neto para masabi ko mga laman ng laman ng bungo ko. sinasabi ko to kahit dimo tinatanong. diko nga sure kung me magbabasa nito e.
well gusto ko magsulat kase me sasabihin ako. wala ako paki kung dimo magustuhan o maguluhan ka sa mga mababasa mo sa mga blog ko. importante e apektado ka (sabi nga ni bob ong)
hmm expect ko sa site na ito ee may makakapalitan ako ng kuru kuro sa mga naiisip ko. kahit na yung nagtyatyaga lang basahin to. kung pwede sana e yung pinoy na open ang utak.
ako nga pala si ace. ace bagtas, diko totoo pangalan yan. yan lang tawag sa kin
pwede na ba i publish to ????? hehehe di pa ko nakapag intro ng iba pang info tungkol sakin, pero diba mahalaga e yung paksa at pananaw ko kesa sa kung anong tsismis ang masasabi ko tungkol sakin?
"you will know me when you forget my name"