ako ang maepal at papansin na lagi mong babasahin... :P

Sabado, Abril 14, 2012

gangstah kaba?

gangstah- slang word for gangster.
gangster kaba? (wag ka nang sumagot ng bakeet? kase hindi yan pick-up line!!!)

first year ako nung una kong nakasalamuha yung mga kaklase kong sabi nila e gangstah daw. si sean, na kaklase ko yung unang nagkwento/nagpakita saken kung ano'ng klaseng sistema ng pananaw, at pag-iisip ang pwede kong makuha sa mga gangstah.

una, dapat ikaw ang pinakamaangas. ikaw dapat ang pinakamayabang, at pinakamatigas. kung may hindi ka gusto  sa sinabi o kinilos ng isang tao, dapat awayin mo(biase no? yan e observation ko lang naman)

ikalawa, dapat magaling ka sa suntukan at bakbakan. dapat alam mo kung ano at para san ang ice pick, asero, baril, sumpak/sumpit, balisong, at, kung minsan, pampasabog.

ikatlo, dapat lahat ng hamon, tatanggapin mo(nang hindi muna nag iisip)

ikaapat(at pinka ayaw kong parte) ang kaaway ng ka grupo mo sa gang e kaaway mo narin. parang fraternity. pag kaaway ng frat nyo yung frat ng isang tao, kahit na wala pa syang ginagawang masama sayo e kaaway mo na rin sya.

at pang huli, ang gang na kinabibilangan mo dapat ang pinakamaangas, matindi at pinakamatigas sa lahat ng gang. obligasyon mo bilang gang member na ipakita sa bayan na kayo ang pinakamatigas, maangas at matinding gang.

Nganga...

ano bang meron sa gangs? anong kabutihan ba ang maidudulot nito? matutulungan ba ako nito na maalis ang mga pimples ko sa mukha?

marami nakong nabalitaan na gang wars, na nagdulot ng kamatayan sa mga myembro nito, pati sa ibang wla namang kinalaman sa kanila kundi nadamay lang. gang vs gang. sa pagpasok pa lang sa isang gang, may mga seremonya na silang ginagawa( paddle, 30 sec massacre, "hirap o sarap") para subukan ang tigas mo.bakit may ganon pa? hindi simbolo ng katapangan ang pananakit sa sarili o sa ibang tao. halos ikamatay na to ng ilan, pero tinitiis alang alang sa pagsali nila sa gang. ( parang frat, yung hazing??) may mga tatak o marka pa sila na inilalagay sa katawan(tattoo, paso ng yosi, o ng kahit ano nalang). hindi ba pwedeng tumawad? hindi ba pwedeng community service nalang? (magwawalis sa kalsada, magpipintura sa paders na maraming vandalism, o kaya libreng gupit, o kaya manlibre  ng laro sa dota?) o kaya wag nang papapaso, papakalbo nalang. yung community service ok yun, makakatulong pa sa service ng.... ahm, community!

pero kugn tinanong mo kung bakit sila sumasali sa gangs, maraming sasagot ng "para maging maangas", "para dumami ng kapit", at "para pumogiii!!!" di ba mas maangas yung gumawa ka ng mga rap na katulad ng kay gloc 9? (upuan, buti nalang, walang natira, the bobo song) kung gusto nilang dumami ang kapit nila, olk na siguro yung maging friendly at totoong tao sila. para pumogi? nak ng kamote!nakakapogi ba yung mga pasa at bunging ngipin na nakukuha nila sa suntukan? ibang klaseng taste naman!

sabi nga ng tito ko, liliit lang ang landas mo sa pagsali sa mga ganyang grupo. sampol? kunyari may tatlong streets sa inyo, yung tatlo pede mong daanan, pero pag sumali ka sa mga gang, marami ka nang kaaway, mababawasan ang landas na pede mong daanan.

isa pang nakakalarma, e karamihan sa mga nasasangkot sa mga gulong dulot ng gangs e mga menor de edad.. mas matindi, yunng mga pinuno e yung mga may edad na na dapat sana e mas mature mag isip.

pag sinabi mo ang salitang "gang", kabuntot agad ang mga salitang "gulo", "away", at "patayan". palagay ny, magiging ganyan ba yung mga salitang kabuntot ng "gang" kung  hindi ang mga yan ang napapansin ng mga tao?

may naalala akong kanta, yung "buhay ng gangstah". may isang line dun ".. eto ba ang buhay na dapat manahin ng panganay ko?,,,"

ba't m ipagpapalit yung tahimik na buhay sa mundo ng kangasan? buti sana kung ikaw lang yung mapapahamak o magugulo ang buhay kung sakasakali. e pan yung pamilya mo? at yung mga anak mo? yun mga magulang mo?

bago ka sumali, mag isip ka muna ng 999, 999, 999 beses, tuluy tuloy, bawal time-out.

---
note: medyo may alam ako sa mga gnito dahil may mga kaibigan akong kasali sa gangs.
note2: kung natapos mo ang article nato, wala kang magawa sa buhay mo