ako ang maepal at papansin na lagi mong babasahin... :P

Miyerkules, Oktubre 10, 2012

CYBER CRIME LAW: PUTONG INAMOY


:Nitong mga nakaraang araw, naging laman ng news sa tv, sa radio, sa dyaryo, sa bangketa, parlor, sa school, sa puno ng unggoy, at sa kung saan saan pa ang Cyber Crime Law (cyber crime shit para sa iba) na kailan lang ay naipasa bilang batas. Pero ilang araw matapos itong ilabas, nagkaron ng kaliwa’t kanang petisyon at pag-aalsa laban sa nasabing batas. Kaya nagpalabas ng TRO (temporary restraining order) ang pamahalaan para magkaroon ng 120 days pa ang mga tao para murahin sila sa internet.
Ang cyber crime law ay isang batas na naglalayon sanang magbawal sa cyber bullying at iba pang pag abuso sa internet. Ngunit parang isang batas ito na nagbabanta sa kalayaan ng mga taong magsalita at magmura sa internet. Pinirmahan ito ni Pnoy kaya nagtatanong ang madami kung marunong ba talgang magbasa ang kalbo nating presedente. Ayon kay attorney Argee Guevarra, na hindi ko kakilala, ang Cyber Crime Law na ipinasa sa kongreso at pinirmahan ng presedente ay anti-democratic, labag sa freedom of speech at unconstitutional.
Maganda sana yung layunin ng batas na ito, ngunit may nilalaman ito na deretchang lumalabag sa karapatan ng mga mamamayan na magpahayag ng Malaya. Ayon sa Philippine Constitution, Article III, section 4: No law shall be passed abridging the freedom of speech, of expression, or of the press, or the right of the people peaceably to assemble and petition the government for redress of grievances.” Pero mukhang nakalimutan ni Pnoy ang parteng ito ng konstitusyon.
At dahil madaming Pilipino ang gumagamit ng internet para magpahayag ng kanilang mga reklamo, hinaing, puna, at talambuhay ng ibang tao, parang gusto na nilang litchunin ang 13 senators pati ang presedente na syang may pakana ng cyber crime shit na ito.  Sa pangulo, na parang nagiging panggulo sa pinas, hinaing ng mga netizens at iba pang tao ay bakit hindi ibang mas imporatanteng bagay nalang ang unahin. Yung mga iskwater, yung mga walang trabaho, yung mabilis na paglaki ng populasyon, yung mahinang sistema ng edukasyon, at yung mapapanghing CR sa mga eskwela, yun yung dapat tutukan ng pansin, hindi pati yung isang karapatan ng mga tao ay pinapakialaman.
Hindi lang sa mga ordinaryong tao na adik sa blogs at facebook ang may reaction tungkol sa isyung ito, pati yung mga sikat na tao at personalidad.
Ayon kay Jim Paredes, isang kilalang manunulat, songwriter,at singer, :
-      Murahin nyo na ang mga opisyales today. Bukas krimen na…lol
-      To netizens, the advice it’s think before you tweet. To senators, congressmen, president, it’s read before you sign.
Ayon naman kay Anne Curtis-Smith:
-      Whatever happened to Freedom of Speech? Having an opinion? Expressing oneself? These are our own accounts. Our property. Our lives.
-      The cyber crime act does have some responsible points that should be included and implemented BUT going to extent of having a law that takes away a freedom we should all rightfully have just seems wrong to me.
Ang sabi naman ni Bianca Gonzales:
-      I’m also against cyber pornography ang human trafficking. But I stand for everyone’s freedom of expression.
-      We will not be silenced.
Humirit naman ang anak ng master rapper na si Maxene Magalona ng:
-      I understand that the cyber crime law means well, but the people have fought too hard for freedom of speech for it to be taken away.
-      Don’t get me wrong…I HATE haters. But hating them is just the same as them hating on me
-      If someone says something mean to you, suck it up. It’s their opinion. It’s just like you saying something positive.
Pati ang kontrobersyal na DJ na si Mo Twister, humirit din:
-      Now the rest of the world is laughing and bashing us cuz of our stupid law. Thanks gov’t, for embarrassing us, now WE are being ridiculed online.
-      Damn. I have nothing left but to be noynoying in front of the computer now that my internet right is gone.
Ang banat naman ng aktres na si Alessandra de Rossi:
-      Bawal na ba mag-post ng mga kalokohan ngayon? Paano na ako??! Hahahahahahaha!
-      Lahat ng sobra masama. Sobra naman talaga yung haters. Sobra din naman yung cybercrime law. Tsaka sobrang ganda ko.
Si BB Gandanghari, bumanat din:
-       This is not just about me as a celeb myself. But this is about every Filipino with a voice. YOU CAN’T SILENCE A NATION.
-      Noynoy approve cyber crime law without realizing magulang nya ang gumawa ng lahat para maibalik lang ang kalayaan sa pilipinas
-      They are taking away the freedom of every countryman. I thought we have our independence? So why having this kind of law.
Pero palaging may dalawang side sa isang laban. Kung may ANTI, merong PRO. At gaya ng mga naunang nabanggit, di lang sila basta simpleng tao.
Sermon ni Sharon Cuneta:
-      Ako ok lang freedom of speech pero magpakilala ka. Madaming nasasaktan kasi nagtatago sa ibang identity ang iba at tumatapang. Wala nang privacy ang mga tao. Pag may free speech dapat may responsibility. Eh ang iba parang di na tayo human beings wala nang delicadeza. Dapat lang ma-punish ang mga naninirang puri. Pag sinira mo ang pangalan ng isang taong wala namang masamang ginagawa, para mo na syang piƱata.
-      Cyber crime law? If you’re a decent person to begin with, WHAT’S THERE TO FEAR? Ano yon, ang pumiyok, guilty?
Suportado si Sharon ng anak ni Se. Sotto (na isa sa may pakana ng lintik na CCL) na si Ciarra anna Sotto:
-      If your conscience is malinis...thou shall not be inis J
Nakaback-up din ang Asia Song bird Regine Velasquez kay ate Showie:
-      Naiintindihan ko yung position ni Sharon (cuneta) e,…makakareact ka talaga ng hindi mo naman gusto. I mean, tao ka, e, hindi ka naman robot, e.
-      Pwede ka nang magdemanda, e, at naghahanap sila. It’s good to have parameters; it’s good to have rules and regulations.
At si Aubrey Miles, may sigaw din:
-      Ang hirap kasi pag celebrity ka. When people say something bad about you online, hindi ka lang nacriticize kundi na judge kapa ng buong mundo kahit na ba walang katotohanan or below-the-belt ang sinabi sayo. Palibhasa nga, kilala kami kaya mas prone kami sa chismis o paninira. Ngayon na may ganito na dito, you’d think twice before maligning anyone.
At madami pang ibang mga reaksyon mula sa iba’t ibang tao sa iba’t ibabg lugar, at estado sa buhay. Mayron pa ngang nagsasabi na ok na sana yung cyber crime law kung hindi lang umepal si senator sotto at naglagay ng Libel sa nasabing batas. Masyado yata syang napahiya sa sobrang obvious na plagiarism na ginawa nya kaya naawa ang ubaning presedente natin at nung nagpropose sya ng batas, approved agad.
Madaming kabataan ang may kanya kanyang opinion tungkol sa batas na ito. Pero dominante ang bilang ng mga di-sang-ayon dito.
Parang nagiging joker na daw ang pamahalaan natin. Dahil kung alin pa daw yung mga batas na mas kailangan ng bayan, yun pa ang matagal ma-aprub at palaging pending. Pero itong cyber crime shit, agad agad naipasa.
Ngunit sa lahat ng ito, nakatutuwa pa ring isipin na bagama’t may pagkakahati sa mga pinoy ngayon, naipapakita pa rin nating mga kabataan na hindi na tayo tulad ng dati na walang pakialam. Bagkus, hindi na tayo ignorante at alam na natin kung anong nagnyayari sa bayan. At hindi na tayo parang putong inamoy na nakatunganga lang. dapat tayong makialam.

Makialam.