ako ang maepal at papansin na lagi mong babasahin... :P

Biyernes, Marso 16, 2012

BUKAS

"pakopya!", kinuha ni Edward agn notebook ni Sophia.
"oy! ba't di ka magsumikap!" binawi ni Sophia ang notebook sa kamay ni Edward.
"sige na ay!" muling kinuha ni Edward ang notebook. agad nya iyong inilagay sa bag nya bago pa mabawi uli ni Sophia,"bukas ko nalang balik!"
"shit ka talga! parasite! buset!" sigaw ni Sophia habang minamasdan si Edward papalabas ng classroom.
***
d2 me tindahan, pnta u d2, text ni Edward kay Sophia kinagabihan.
ayw!!! gbi na kya!!! reply nya habang sinusuklay ang mahabang buhok sa harap ng salamin.
pinagpaalam n kta sa mama muu!!!! reply naman ni Edward.
biglang may kumatok sa pinto ng kwarto ni Sophia. " anak? tinatawag ka ni Edward dun s tindahan, may ibibigay ata sa iyo" sabi ng nanay ni Sophia.
"oho nay papunta na," sagot na lamang nya. ba't kaya ang close ng nanay nya at ni Edward?
***
"antagal mo!!!" sabi ni Edward pagkakita nito kay Sophia. naka pajama lang ang dalaga at maluwang na t-shirt.
"shit ka! gabi na, ano pa bang kailangan mo ?" umupo ito sa tabi ni Edward sa bangkuan sa harap ng tindahan.
"alam mo kase, ibabalik ko'to" inilabas ni Edward ang notebook ni Sophia mula sa kanyang likuran."natapos ko na homework ko"
"aba! himala yata! ba't binalik mo agad? kala ko bukas pa. gabi na pa naman!" sabi ni Sophia. kinuha nito ang notebook.
"kase napag isip isip ko, hindi dapat pinagpapabukas ang mga bagay na pwede mong gawin ngayon" sabi ni Edward habang nakangiti't nakatingin sa langit.
"sus e ba't di mo ginagawa agad homework mo? para di mo na kailanganin mamilit mahiram tong notebook ko?!" may katarayang tanong ni Sophia. nakatingin sya kay Edward.
"to naman! parang ginto notebook mo ah!" sabi naman ni Edward sa paraang parang bata.
"e hindi ko kasi ginagawa ang homework ko para lang kopyahin mo!" saka nito kinurot sa tagiliran si Edward.
nakngiti lang si Edward, matapos ay sandaling katahimikan. walang nagsasalita. walang umiimik. nakatingin na ulit sa langit si Edward. si Sophia, halukipkip ang notebook nya. kapwa sila nakikiramdam. kapwa masaya. sa isang gabing marikit.
"andaming stars no? ang ganda!"sabi ni Edward. sya na unang bumasag ng katahimikan.
"para ka talgang bata. " sagot ni Sophia habang nakangiti sa kababata.
humarap muna si Edward kay Sophia bago muling nagsalita. "apat na taon tayong magkasama sa highschool. anim nataon sa elementary, ngayon ko lang napansin na..."
tumigil si Edward para pagmasdan ang mapuingay na mata ni Sophia. ang mapulang labi, ang mamula mulang pisngi sa balat na parang labanos sa puti. maamo ang mukha nito na hugis itlog na kitang kita nya ngayon dahil naka tali ng maayos ang buhok nito.
"napansing ano ?" sabi ni Sophia upang mapukaw ang pagmumuni muni ng kaibigan nya sa kanyang itsura. nakakailang sa pakiramdam,
"ah...eh... napansin kong babae ka pala!!!" sabi ni Edward. sabay ngisi na nagpalitaw sa malalim nitong biloy sa magkabilang pisngi.
"siraulo!!! "batok kay Edward. "makauwi na nga! pruru ka kalokohan!" sabay tayo.
"teka lang!" tumayo si Edward. hinawakan ang magkabilang braso ni Sophia. "Sophia, sana bukas magkaibigan parin tayo. goodnight!" pagtapos ay hinalikan nya sa noo si Sophia. isang magaan at masuyong halik. sabay pasok sa loob ng tindahan at nagsara.
nabigla man sa ginawa ni Edward ay nagawa ni Sophia na balewalain iyon at umuwi na.
***
"Sophia, hindi ko alam kung pano ko sasabihin sayo ito. but you already have a special place in my heart. ewan kung gaog ako para sabihin  to sayo pero sana walang magbago satin. mahal kita Sophia"
nabasa na ni Sophia ang sulat ni Edward na nakaipit sa notebook na hiniram sa kanya ng kababata.hindi nya alam ang gagawin . hindi nya alam ang dapat nyang maging reaksyon. tinext nalang nya ng " i need space"
bahala na kung maintindihan man nya ang gusto nitong sabihin.
 hindi nya pa kayang kausapin ngayon si Edward.
***
isang linggo... dalawang linggo... tatlong linggo... isang buwan.
matagal tagal nang hindi nakakapag usap sina Sophia at Edward. magkita man sila palagi sa classroom at sa tindahan at chempong naroon ito, hindi sila nagkikibuan. kung dati'yt inaasar sya nito, ngayo'y hirap syang tapunan ito  ng tingin pag nalalaman nito.
isang gabi, binangungot si Sophia. namatay daw si Edward. iyak daw sya ng iyak. pagkagising nya nakita nya ang regalong teddy bear sa kanya ni Edward nong birthday nya.
"oh my God..." mahal na nya si Edward.
***
pinlano nyang sabihin yon sa kababata ngunit palagi nyang pinagpapaliban. lalo pa't nakikita nyang tila kinalimutan na sya nito at ang damdamin nito para sa kanya. natatakot na syang sumugal.ayaw na nyang ma-reject. baka kasi hindi na sya nito mahal. kaya kahit halos dalawang buwan sa silang hindi nag uusap ay wala itong ginagawang paraan.
pero nainiwala syang mas talo sya kung di nya man lamang ssusubukan " its better to lose while fighting than to lose without any fight at all" sabi nya sa sarili nya.  sabay "bahala na!"
***
 hey got sumtin 2 tell ya ,txt nya kay Edward kinagabihan.
huh? nu un?  reply nito.
uhm tmrow nlang g'night!
k , text nito.
na postpone nanaman ang pagtatapat nya kay Edward." hay ! torpe talga ako! " torpe na ang tawag nya sa sarili nya ngayon.kahit babae sya. "di bale, bukas promise sasabihin ko na! magtatapat nako at sasabihin kong mahal ko sya!" sabi nya habang sinusuklay ang buhok sa harap ng salamin.
***
"... hindi dapat pinagpapabukas ang mga bagay na pwede mong gawi ngayon"
umiiyak si Sophia. umaalingawngaw ang mga sinabi sa kanya  noon ni Edward.
"hindi ko na dapt pinagpabukas..." humhagulgol sya sa harap ng bangkay ng kababata. patay na ito, hit and run.
"hhuhu kung alam ko lang ! mahal kita Edward!" patuloy na umaagos ang mga luha ng hinagpis sa mga mata ni Sophia.
kagabi, akala nya'y magiging masaya ang gabing ito. ngunit pauwi na lamang si Edward nang masagasaan ito. hindi na nya ito nakausap... o makakausap pa. hindi nya malalaman ang isasagot nito sa bagay na hindi nya nasabi o masasabi kelanman. wala na syang magawa, o magagawa pa, kundi l;umuha...

THE END

Linggo, Marso 4, 2012

Antonio

***
ang mga sumusunod na mababasa ay hindi halaw sa tunay na buhay. At sana magustuhan nyo.
***
Pilit nyang hinihila, pero di  nya makuha. Pilit ginigising  pero walang boses na lumlabas sa lalamunan nya. wala. Papalubog ang araw, pawisan sya. Muli nyang sinubukang pigilin ang patuloy na paghila ng alon sa natutulog nyang ama. Para lang itong patay na inaanod. Ngunit malakas ang hila ng alon, hanggang sa tuluyan itong natangay palayo, sumigaw sya "papa!". ngunit walang boses na lumalabas sa bibig nya. Isa pa...
"Papa!!!" napabalikwas ng bangon si Antonio. Pawisan, nananaginip lang pala sya. Parang totoong totoo. May kakaibang takot syang naramdaman nong madaling-araw na yon. Tulog pa ng mga kapatid nya na nakahiga sa banig na inilatag sa sementong sahig ng apartment na tinutuluyan nila.
Pumunta sya sa CR para jumingle, kiniig pa sya. Tulog pa ang mga magulang nya, katabi ng mga ito ang bunso nilang kapatid na tatlong taong gulang pa lamang. napangiti sya. Spagkat buo ang pamilya nila kahit na mahirap sila.
***
Hindi nag-almusal ng umagang yon si Antonio kaya nang umuwi sya nung tanghali, e gutum na gutom sya. Pagpasok nya sa apartment, wala rin an kapatid na sumunod sa kanya. Wala rin ang ate nya. Dumiretso sya sa kwarto at binuksan ang pinto. tumambad sa kanya ang payat na katawan ng mama nya, yakap-yakap ang kapatid nyang bunso na nakatulugan na ang dinidedeng 'am' o tubig ng sinaing. natutulog ang mga ito sa papag. Lumabas muna sya at pumunta sa kusina na dalawang hakbang lang ang layo mula sa kwarto.
walang kanin.
Walang unan.
"antonion," tawag sa  kanya ng ina nya na noo'y naktayo sa tapat ng pintuan ng kwarto. Naka daster ito, magulo nang bahagya ang buhok, at medyo may eyebag. "walang iniwan ang papa mo, di na rin ako pinautang sa tindahan, pasensya na anak, wag ka muna pumasok baka himatayin ka sa gutom" sabi nito sa boses na halatang nanlalambot.
***
Hapon na nang dumating ang mga kapatid ni Antonio. Sama sama sila noon sa harap ng telebisyon na nag-iiba iba ang kulay at kumikindat kindat,at magulo. sa gitna ng mahabang monoblock, ang mama ni Antonio; kalung kalong ang bunso; sa kanan, si Antonio; sa kaliwa, si Ana, ang ate at ang panganay; sa ibaba ng bangko, si 'nato, nakasalampak hawak ang songbook ng isang Christian Church. Umaawit:
   "oh God will make a way, when there seems to be no way, he works in ways we cannot see, he will make a way for me..."
Lahat sila hinihintay si Karding, ang padre de pamilya, at lahat sila kumukulo ang tiyan.
***
dumating si Karding galing sa trabaho, may dalang burgers at kanin, walang ulam.
"hiningi ko lang sa katrbaho ko tong kanin". tila hiyang hiya sambit ni mang Karding kay Lorna, ang ilaw ng tahanan. samasama nilang inupakan ang dala ni mang Karding.
Bagamat bitin, ipinagpasalamat pa rin ni Antonio ang walang sustansyang burger na pumatid pansamantala sa gutom nilang mag-anak.
***
itutuloy ...