ako ang maepal at papansin na lagi mong babasahin... :P

Linggo, Marso 4, 2012

Antonio

***
ang mga sumusunod na mababasa ay hindi halaw sa tunay na buhay. At sana magustuhan nyo.
***
Pilit nyang hinihila, pero di  nya makuha. Pilit ginigising  pero walang boses na lumlabas sa lalamunan nya. wala. Papalubog ang araw, pawisan sya. Muli nyang sinubukang pigilin ang patuloy na paghila ng alon sa natutulog nyang ama. Para lang itong patay na inaanod. Ngunit malakas ang hila ng alon, hanggang sa tuluyan itong natangay palayo, sumigaw sya "papa!". ngunit walang boses na lumalabas sa bibig nya. Isa pa...
"Papa!!!" napabalikwas ng bangon si Antonio. Pawisan, nananaginip lang pala sya. Parang totoong totoo. May kakaibang takot syang naramdaman nong madaling-araw na yon. Tulog pa ng mga kapatid nya na nakahiga sa banig na inilatag sa sementong sahig ng apartment na tinutuluyan nila.
Pumunta sya sa CR para jumingle, kiniig pa sya. Tulog pa ang mga magulang nya, katabi ng mga ito ang bunso nilang kapatid na tatlong taong gulang pa lamang. napangiti sya. Spagkat buo ang pamilya nila kahit na mahirap sila.
***
Hindi nag-almusal ng umagang yon si Antonio kaya nang umuwi sya nung tanghali, e gutum na gutom sya. Pagpasok nya sa apartment, wala rin an kapatid na sumunod sa kanya. Wala rin ang ate nya. Dumiretso sya sa kwarto at binuksan ang pinto. tumambad sa kanya ang payat na katawan ng mama nya, yakap-yakap ang kapatid nyang bunso na nakatulugan na ang dinidedeng 'am' o tubig ng sinaing. natutulog ang mga ito sa papag. Lumabas muna sya at pumunta sa kusina na dalawang hakbang lang ang layo mula sa kwarto.
walang kanin.
Walang unan.
"antonion," tawag sa  kanya ng ina nya na noo'y naktayo sa tapat ng pintuan ng kwarto. Naka daster ito, magulo nang bahagya ang buhok, at medyo may eyebag. "walang iniwan ang papa mo, di na rin ako pinautang sa tindahan, pasensya na anak, wag ka muna pumasok baka himatayin ka sa gutom" sabi nito sa boses na halatang nanlalambot.
***
Hapon na nang dumating ang mga kapatid ni Antonio. Sama sama sila noon sa harap ng telebisyon na nag-iiba iba ang kulay at kumikindat kindat,at magulo. sa gitna ng mahabang monoblock, ang mama ni Antonio; kalung kalong ang bunso; sa kanan, si Antonio; sa kaliwa, si Ana, ang ate at ang panganay; sa ibaba ng bangko, si 'nato, nakasalampak hawak ang songbook ng isang Christian Church. Umaawit:
   "oh God will make a way, when there seems to be no way, he works in ways we cannot see, he will make a way for me..."
Lahat sila hinihintay si Karding, ang padre de pamilya, at lahat sila kumukulo ang tiyan.
***
dumating si Karding galing sa trabaho, may dalang burgers at kanin, walang ulam.
"hiningi ko lang sa katrbaho ko tong kanin". tila hiyang hiya sambit ni mang Karding kay Lorna, ang ilaw ng tahanan. samasama nilang inupakan ang dala ni mang Karding.
Bagamat bitin, ipinagpasalamat pa rin ni Antonio ang walang sustansyang burger na pumatid pansamantala sa gutom nilang mag-anak.
***
itutuloy ...

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento