ako ang maepal at papansin na lagi mong babasahin... :P

Linggo, Disyembre 11, 2011

bakit tinatamad nakong magdota ngayon?

alam ko walang kinalaman sa ibang post ko to pero kating kati ako na sabihin na tinatamad nakong magdota ngayon.lalo na pag wala akong taong kalaro. nakakasawa din kase na puro insane yung kalaban mo e, maiinsane ka talaga.
tsaka sawa nakong nagagamit ako ng teknolohiya. ( pasensya na po kung kung anu ano pinagsasabi ko, me lagnat ata ako) dati yung pera ko nagaamit ko pambili ng mga kailangan ko sa iskul, nung elem ako.
tapos nung first at second year high school e cellphone naman kinalokohan ko. umiikot non sa pagpindot at pagkausap sa aparato ang mundo ko. naaalala ko non e nagmumukha akong zombie sa sobrang puyat dahil sa magdamag kaming nag usap ng gf ko sa cp. hanep. alang tulugan. hndi ko na sasabihin na nung nag meet kami ng gf kong yun e ilang weeks lang nag break na kame. nakakahiya, para sa knya. hehehe!
at ng mag third year ako e natuto akong mag dota. lagi yun! kada uwian nag lalao kami ng mga mate kong lalaki. at lagi din akong talo nun, kase nga e beginner lang . kumbaga newborn fetus palang ako sa mundo ng paqgdodota. nakaliutan ko na nun na dumepende sa cp, pero napalitan naman ng pag cocomputer, adiiiiik
tas ngaung fourth year e mejo nabawasan na pagdodota. salamat sa pressure ! kase gsto ng mama ko e makakuha ako KAHIT VELEDICTORIAN LANG, KUNG HINDI MAN SALUTATORIAN. astig diba ? kaya ngaun e madalang na lang ako nakakapaglaro, mga 5 times a week.
ayoo na magamit ng teknolohiya. oo nakikinabang tayo sa kanila pero mas nakikinabang sila satin. wala na tayong nagagawang matino sa buhay natin kase nakadepende tayo sa mga gadget naten,.
busy tayo sa pagpapaganda ng background ng facebook account natin, sa pagpapalagay ng mga kanta sa ipod naten, sa paguupload ng pics naten, at pag pili ng magandang model ng cp, pero sa huli talo tayo kahit gano kamura yung nabili naten na cp na galing sa kapitbahay nating magnanakaw, kase gumaganda nga gadgets naten, e tayo naman mismo hndi umaayos. nakukuha nyo ba sinasabe ko ??? kung hindi e itapon nyo na sa apoy tung pc nyo ,

2 komento:

  1. sa mga oras na to e binabawalan nako mag fb ng mga kasabay ko dito sa comp shop. langya, nagbabayad naman ako a? kaya ako bahala kung anong gusto kong gawin sa oras ko!!!!!
    naglalag daw kase pc nila. linsiyak!

    TumugonBurahin
  2. mag boblog dapat ako ngayon. kaso nandito mga dota boys ng lugar namen, kaya ayun, napalaro, di ako nakapagblog. napagastos pat nagkautang patay... utang e limang piso lang naman heheheheheheheh

    TumugonBurahin