naiimagine ko, may nagkukutuhang mag ina sa gilid, yong mga lalaki, parang babae, anlalaki ng tyan nila, tapos yung mga dalagang babae pati bata tag hirap sa tela, bakit ? kase parang nagpapaaiklian sila ng short. kung pwede nga siguro, di na sila magsoshort. para ipakita yung nakakasilaw (minsan nanlilimahid) nilang legs. ano ba mapapala natin sa legs nila.? nakaka ano, kase maging ako ganito rin.

di ko matututunang pagbawalang sumama sa mga lukoluko kapatid ko dahil baka mapano sya kung di ako naging lukuluko rin mismo.
di ko matututunan na dapat sinupin ko pera ko para di makupitan kung di rin ako naging husltler na mangungupit. nakakaano talaga!
akalain mo, bakit kelangan pang mapasama muna ako bago ako mapunta sa kung ano ako ngayon.
nakakapikon na namulat ako sa lipunan na maraming kabulukan.
nakakabaliw isipin kung pano sosolusyonan ang lahat ng mga sakit ng lipunan kung naging sakit din ako nito mismo.
nakakasakit ng damdamin pag piniilit mong tulungan ang kapwa mo pero sila mismo di nila tinutulungan sarili nila.
nakakaano talaga.
nakakaasar.
nakakapikon.
nakakabaliw.
nakakasakit.
at nakaka ano.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento